Back to Top Emotional Dumpsite
Sabi sa census, mahigit 11 million ang tao sa Metro Manila. Sa dami ng taong yun, pano mo kaya malalaman kung sino sa kanila yung para sayo? Pano kung nakasalubong mo na siya? Kaya lang hindi mo pinansin. Dumaaan na pala sa harap mo, nung yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tingnan yung traffic light. Baka andon na sya, humarang lang yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may mga masuswerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, yung nasayo na, pinakawalan mo pa. Pero pano nga kaya noh, kung isang beses lang dumarating yung para sayo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na.
— Apollo, My Amnesia Girl (2010)